Buod na Pangmalas sa Centre
Ang RETScreen International Clean Energy Decision Support Centre ay naglalayon na itaguyod ang kakayahan ng mga tapagplano, gumagawa ng mga pasiya at ng industriya upang ipatupad ang muling nagagamit na enerhiya at mga proyekto sa mabisang paggamit ng enerhiya Ang layuning ito ay matatamo sa pamamagitan ng: pagbuo ng mga gamit-pangtulong sa paggawa ng desisiyon (hal. RETScreen Software) na nagpapababa ng gastos ng mga pag-aaral kung maaring isagawa; nagpapalaganap ng kaalaman upang tulungan ang mga tao na gumawa ng mas mainam na pasiya; at sa pagsasanay sa mga tao upang higit na makapagsuri ng teknikal at financial na kakayahan ng mga magagawang mga proyekto.
Ang RETScreen Clean Energy Project Analysis Software ay isang pambihirang gamit-pantulong sa pagpapasiya na nabuo sa tulong ng maraming dalubhasa sa pamahalaan, industriya at akademya. Ang software, inilaan nang walang-bayad, ay maaring gamitin sa anumang dako sa daigdig upang suriin ang produksyon ng enerhiya at mga matitipid, halaga ng patuloy na pag-iral, pagpapababa ng pagbuga, kakayahan sa pananalapi at panganib sa iba't ibang uri ng teknolohiya sa mabisang paggamit ng enerhiya at muling nagagamit na enerhiya. Ang software ay mayroon ding mga database para sa produkto, gastusin at klima, at detalyadong na manual para sa mga gumagamit. Ang ilang mga gamit ay naglalaman ng: kursong pagsasanay sa antas ng pamantasan/kolehiyo na salig sa pag-aaral ng kalagayan; isang electronikong aklat-araling pang-inhinyero; at ang Website na ito.
Ang RETScreen International ay pinangangasiwaan sa ilalim ng pamumuno at patuloy na suportang pananalapi ng Natural Resources Canada's (NRCan), CanmetENERGY. Ang RETScreen ay nabuo sa pakikipagtulungan ng maraming iba pang samahan sa pamahalaan at mga sangay , at may teknikal na suporta mula sa malawak na network ng dalubhasa sa industriya, pamahalaan, at akademya.
I-click dito upang makapag-download nang libre RETScreen 4 (44 MB).
