I-download nang Libre
Ang RETScreen Clean Energy Project Analysis Software ay isang pambihirang gamit-pantulong sa pagpapasiya na nabuo sa tulong ng maraming dalubhasa sa pamahalaan, industriya at akademya. Ang software, inilaan nang walang-bayad, ay maaring gamitin sa anumang dako sa daigdig upang suriin ang produksyon ng enerhiya at mga matitipid, halaga ng patuloy na pag-iral, pagpapababa ng pagbuga, kakayahan sa pananalapi at panganib sa iba't ibang uri ng teknolohiya sa mabisang paggamit ng enerhiya at muling nagagamit na enerhiya. Ang software ay mayroon ding mga database para sa produkto, gastusin at klima, at detalyadong online na manual para sa mga gumagamit.
Software at Datos na mga Kahilingan: Microsoft® Excel 2000 o higit pa, Windows 2000 o higit pa, Microsoft® .NET Framework 2.0 o higit pa. Siguruhin lamang na ang mga pinakabagong mga updates mula sa Microsoft (www.microsoft.com) para sa Windows at Excel ay naka-install sa iyong computer.
I-click dito upang makapag-download nang libre RETScreen 4 (36 MB).
I-click dito upang makapag-download nang libre RETScreen 4 (36 MB).
