Software at Datos
Sa Version 4 ng RETScreen, ang kakayahan ng software ay pinalawak mula sa muling nagagamit na enerhiya, produksyon ng enerhiya at pandistritong enerhiya, upang ibilang ang malawak na koleksyon ng posibleng tustusan na malinis na enerhiya, pang-init at panglamig na mga teknolohiya at mga paraan sa mabisang paggamit ng enerhiya. Ang pandaigdigang akit nitong kagamitan para sa pagsuporta sa pagpapasiya ay humusay sa pamamagitan ng pagpapalaki ng datos sa klima, kahilingan ng kagamitan, na tumatakip sa ibabaw ng buong daigdig, kabilang na ang pangunahing grid, nakahiwalay na grid at nasa labas na grid na mga lugar, pati na rin sa pamamagitan ng pagsasalin ng software na ito sa 30 na mga wika na lumalakip sa halos 2/3 ng populasyon ng daigdig.
Ang mga pangunahing nagagawa ng makahulugang pagsisikap ay ang mga sumusunod:
- Pagbuo ng isang grupo ng mga bagong modelo upang suriin ang mga hakbangin sa mabisang paggamit ng enerhiya sa mga kabahayan, pangkalakal at natatag na mga gusali, komunidad, at mga pasilidad pang-industriya at mga pamamaraan.
- Pagpapalawak ng RETScreen Climate Database (Database para sa Klima) sa 4,700 na mga istasyon sa lupa sa buong daigdig at ang pagsama ng pinahusay na NASA Surface Meteorology and Solar Energy Dataset para sa mga lugar na may mga tao, direkta sa RETScreen software.
- Ang pagsasanib ng umiiral na modelo ng RETScreen para sa muling nagagamit na enerhiya (hal. enerhiya mula sa hangin) at ang pinagsamang init at lakas, kabilang na ang bagong modelo para sa mabisang paggamit ng enerhiya na mga pamaraan, lahat sa isang file ng software, at pagpapalawak ng kakayahan ng umiiral na modelo upang suriin ang mga nagsisimulang mga teknolohiya, gaya ng agos ng dagat at lakas ng alon.
- Pagsasalin ng pinagsamang nag-iisang file ng software at mga databases sa 30 wika (hal. Intsik, Pranses, Aleman, Hindi, Italyano, Hapon, Portuguese, Russo, Kastila, atbp.).
- Malawak na pagpapakalat ng kagamitan sa pamamagitan ng RETScreen Website, na may nilalaan na lokal na pagsasanay at pagpapakalat sa pamamagitan ng pandaigdigang network ng RETScreen na mga tagapagsanay at mga katambal na umaabot sa malalayo.
